Tulfo Brothers Dapat ng Umalis sa PTV4 -Sen. Kiko Pangilinan

Sponsored Ad
Loading...
Ayon kay Senador Francis Kiko Pangilinan, mas mabuti umano kung  boluntaryong aalis na rin sa PTV 4 ang magkakapatid na Ben at Erwin Tulfo para sundan ang yapak ng nagbitiw nilang kapatid na si Tourism Secretary na si Wanda Teo.


Sinabi ng Senador na isang government station ang PTV 4 kaya mas mainam na umalis na rin bilang producer at program anchor ang Tulfo brothers.


Sarkastiko namang sinabi ni Senator Antonio Trillanes, na maari pa ring magpatuloy ng programa sa PTV4 ang magkapatid na Tulfo.

Pero dapat daw palitan na ang titulo ng kanilang programa at gawing “isumbong mo si Tulfo” at “nabitag si Tulfo".

Nanawagan naman si Senator Nancy binay sa Pangulong Duterte na magtalaga na ng bagong Tourism Secretary.

Ayon sa Senadora, ito ay para hindi maantala ang mga programa ng DOT lalo na ang isinasagawang rehabilitasyon sa isla ng Boracay.

Loading...